PNP, bubuo ng SITG na mag-iimbestiga sa pagpatay sa mamamahayag sa Oriental Mindoro

PNP, bubuo ng SITG na mag-iimbestiga sa pagpatay sa mamamahayag sa Oriental Mindoro

MARIING kinondena ng Philippine National Police (PNP) ang pagpatay sa mamamahayag na si Cresenciano Aldovino Bunduquin sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Ayon kay PNP public information office chief Police Brigadier General Redrico Maranan, inatasan ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. ang Police Regional Office 4B at Calapan City Police Station na bilisan ang imbestigasyon at pagtukoy sa mga salarin.

Kasabay nito, bubuo ang pulisya ng Special Investigation Task Group (SITG) na hahawak sa malalimang imbestigasyon sa insidente.

Nakikipag-ugnayan na rin ang pulisya sa pamilya at mga kasamahan sa trabaho ni Bunduquin para sa karagdagang impormasyon.

Sa paunang imbestigasyon, pinagbabaril ng mga suspek na nakamotorsiklo ang biktima habang nagbubukas ng tindahan kaninang umaga.

Nagtamo ng 2 tama ng bala sa dibdib ang biktima.

Patay naman ang isang suspek sa krimen habang nakatakas ang kasamahan nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter