IPINAALALA ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Benjamin Acorda, Jr. sa lahat ng police commander na dapat na maramdaman ng publiko na laging bukas ang mga himpilan ng pulisya.
Ito ay bilang bahagi ng pagpapabuti ng kanilang serbisyo sa publiko.
Ayon kay Acorda, kung mararamdaman ng publiko na bukas ang mga himpilan ay madali ang mga ito na makapagsusumbong ng krimen.
Dahil dito, mababawasan aniya ang pang-aabuso sa mga komunidad lalo na kung maihahatid ang layunin ng PNP na “nagkakaisang serbisyo”.
Una nang hiningi ni Acorda ang suporta ng publiko upang magtagumpay ang kanilang kampanya kontra kriminalidad at ilegal na droga.