PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., inirekomenda na mananatiling pinuno ng binuong 5 man-advisory group

PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., inirekomenda na mananatiling pinuno ng binuong 5 man-advisory group

INIREKUMENDA ng mga miyembro ng 5 man-advisory group na siyang sumasala sa mga inihaing courtesy resignation ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na manatiling pinuno nito ang magreretiro nang si PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr.

Ito ang inihayag ni dating Police General ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong Jr. kahit magretiro na sa puwesto si Azurin bilang pinuno ng Pambansang Pulisya sa Lunes.

Sa panayam kay Magalong, sinabi nito na napagkasunduan nilang manatili si Azurin upang magkaroon ng continuity sa ginagawa nilang pagsasala.

Kasalukuyan aniyang nasa 95 porsyento na ng mga inihaing courtesy resignation ng mga Police Official ang kanilang nasasala at posible na aniyang matapos ito sa loob ng 2 linggo.

Mayruon na rin aniya silang binuong ulat na siyang ilalahad kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sandaling matapos na nila ang ginagawang pagsasala.

Follow SMNI NEWS in Twitter