INIIMBESTIGAHAN ng PNP Anti-Cybercrime Group ang mga indibidwal na nagpapakilalang biktima ng EJK sa War on Drugs ng Duterte administration.
Ito’y matapos kumalat ang ilang larawan ng mga magulang at kamag-anak ng diumano’y biktima ng malawakang patayan noong nakaraang administrasyon.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Randulf Tuano, isinumite na nila ang ilang larawan sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para sa mas malalim na pagsisiyasat.
Kabilang sa mga kinondena si “Aling Shiela,” na nagpakita ng larawan ng kaniyang anak bilang EJK victim ng Duterte administration, ngunit napag-alamang ito’y namatay noong 2024 sa ilalim ng Marcos Jr. Administration.