NAGPAABOT ng pakikiramay ang Philippine National Police (PNP) sa pamilya ng limang miyembro ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office na nasawi sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Karding.
Ayon kay PNP deputy chief for administration Police Lieutenant General Jose Chiquito Malayo, nag-alay ng hindi matatawarang sakripisyo ang mga rescuer sa pagganap ng kanilang tungkulin.
Sa paunang imbestigasyon, nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa isang concerned citizen matapos matuklasan ang limang bangkay kahapon ng alas-7 ng umaga.
Agad na nagpadala ng isang team para tumulong sa pag-recover ng mga bangkay sa binahang lugar.
Kinilala ang mga biktima na sina Narciso Calayag, Jerson Resurecion, Marvy Bartolome, George Agustin at Troy Justin Agustin.