PUSPUSAN ang ginagawang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Hulyo 24, 2023.
Ito ang tiniyak ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. upang matiyak ang seguridad at kapayapaan ng nasabing aktibidad.
Ayon kay Acorda, nagsasagawa sila ng threat assessment para sa kaligtasan ng Pangulo, mga opisyal ng gobyerno at mga panauhin.
Kasabay rito, nanawagan si Acorda sa mga lalahok sa kilos-protesta na igalang ang pagpatutupad ng batas ng pulisya.
Hindi na dapat aniya na mauwi sa karahasan ang pagtitipon ng iba’t ibang grupo lalo na ang pamamato ng pintura sa pulisya.