PNP, tiniyak na aktibong makikipagtulungan sa DOJ hinggil sa kaso ni Percy Lapid

PNP, tiniyak na aktibong makikipagtulungan sa DOJ hinggil sa kaso ni Percy Lapid

AKTIBONG makikipagtulungan ang Philippine National Police (PNP) sa Department of Justice (DOJ) hinggil sa kaso ng pagpatay sa brodkaster na si Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid.

Ito ay tiniyak ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. matapos nilang masampahan ng kasong murder ang suspendidong si Bureau of Corrections (BuCor) director General Gerald Bantag na nag-utos umano para patayin si Lapid at iba pang personalidad.

Ayon kay Azurin, sisikapin ng pulisya na makamit ng pamilya ni Lapid ang hinihinging hustisya.

Hindi aniya sila titigil sa paghabol sa iba pang sangkot sa karumal-dumal na krimen hanggang tuluyan silang mapanagot sa ilalim ng batas.

Kasabay nito, tiniyak ni Azurin na sisikapin nilang wala nang masawing mamamahayag na tinutupad lamang ang kanilang trabaho.

 

Follow SMNI News on Twitter