PNP, umaasa na buhay si Catherine Camilon

PNP, umaasa na buhay si Catherine Camilon

UMAASA si Philippine National Police (PNP) chief Police General Benjamin Acorda, Jr. na buhay hanggang sa ngayon ang nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon sa Batangas noong nakaraang taon.

Sa pulong balitaan sa Kampo Krame, sinabi ni Acorda na malaki ang kanilang tiwala na buhay pa ang biktima.

Bilang isang ama aniya, batid niya ang nararamdaman ng pamilya ni Catherine habang hindi pa rin natatagpuan ang biktima.

Kasama ng pangako na gagawin ng PNP ang lahat ng kanilang makakaya para mahanap ang biktima at mapanagot ang nasa likod ng pagkawala nito.

Isang police major na si Alan de Castro ang itinuturong primary suspect sa pagkawala ni Camilon matapos itong nabatid na magkarelasyon ang dalawa.

Una nang na-dismiss sa serbisyo si De Castro dahil sa pakikiapid nito sa biktima sa kabila ng pagiging pamilyado ng pulis.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter