Port of Calapan, inaasahan na makapagsisilbi ng 3,500 pasahero sa oras na matapos ito

Port of Calapan, inaasahan na makapagsisilbi ng 3,500 pasahero sa oras na matapos ito

INAASAHAN na makapagsisilbi ang Port of Calapan sa Mindoro ng mahigit 3,500 pasahero sa oras na matapos ang konstruksyon nito.

Sa ilang taon na pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte, iba’t ibang proyekto at programa na ang nailunsad nito na nakapakinabangan ng milyun-milyong Pilipino.

Isa na nga sa mga proyekto ng Pangulo ay ang rehabilitation at expansion sa mga sea port na ilang dekada ng nakatengga.

Sa Facebook post ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, ibinahagi nito ang nagpapatuloy na konstruksyon ng sea port ng Calapan sa Oriental Mindoro.

Matatandaaang, matagal ng nakatengga ang Port of Calapan at halos ilang dekada ring hiniling ng mga kababayan na maisaayos ang access road ng pantalan.

Dahil dito, agarang umaksyon ang DOTR at Philippines Ports Authority (PPA) upang tugunan at maisakatuparan ang proyekto sa naturang pantalan.

Sa oras na matapos ang construction nito ito ay magiging bago, moderno, malawak, at world-class na passenger terminal building.

Isa din ito sa magiging pinakamalalaking Port PTB sa buong bansa na kung saan kayang makapagserbisyo sa halos 3,500 pasahero.

Ayon kay Secretary Tugade, isa itong matibay at may maayos na access road at isang dream come true para sa mga kababayan na naisakatuparan lamang ito sa ilalim ng Duterte administration.

Binigyang diin ng kalihim, na ito ay magbibigay gaan at kaginhawaan sa daloy ng mga sasakyan.

Matatandaang, nasa walong sea port na sa Mindoro ang tapos at nasa 4 pa ang nagpapatuloy sa konstraksyon.

Tiniyak ng DOTR at PPA na bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte ay tapos na ang sea port projects ng administrasyon.

Inaasahan din na sa oras na maging operational na ang bagong terminal building ng pantalan, magbubukas ang maraming employment opportunities na makakatulong sa ating mga kababayan.

SMNI NEWS