PINABULAANAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kumakalat sa social media na isang post hinggil sa payout schedule ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries.
Ayon sa ahensiya, hindi ito nagmumula sa kanilang official social media accounts.
Tiniyak din nila na striktong sumusunod ang kanilang ahensiya sa Data Privacy Act of 2012 kung kaya’t nananatiling confidential ang impormasyon ng mga benepisyaryo ng programa.
Payo ng DSWD, mainam na mas maniwala sa mga posting ng official accounts ng kanilang ahensiya.
Ang tinutukoy naman na post ay naglalaman ng pangalan ng 4Ps grant recipients at araw ng kanilang payouts.