LUMALABAS sa unofficial results na ang nangunguna sa Presidential Election ng Indonesia ay si Defense minister Prabowo Subianto.
Si Subianto ay nakakuha ng 59.8 percent ng mga boto mula sa 23.3 percent ng balota na nabilang sa polling stations sa bansa.
Ang kanyang katunggali na sina Anies Baswedan at Ganjar Pranowo ay nakakuha naman ng 23.5 percent at 26.7 percent.
Ang bilang na ito mula sa lokal na polling station ay napatunayang totoo sa nakalipas na mga eleksyon.
Ang opisyal na resulta ay asahan naman ilang linggo matapos ang naganap na halalan.
Matatandaan na sinuportahan ni Indonesian President Joko Widodo si Subianto na syang dati nitong karibal sa politika at kasalukuyang defense minister para alagaan ang legasiya ng kanyang pamamahala sa bansa.
Suportado rin ni Widodo ang pagtakbo bilang ka-tandem ni Defense minister Prabowo Subianto ang kanyang anak na si Gibran Rakabuming Raka bilang Vice-President ng bansa.