Presensiya ng pulis at CCTV sa paaralan nakikitang solusyon ng DepEd vs bullying

Presensiya ng pulis at CCTV sa paaralan nakikitang solusyon ng DepEd vs bullying

TINUTUGUNAN na ngayon ng Department of Education (DepEd) ang insidente ng mga pambu-bully sa mga estudyante sa buong bansa.

Sa isang pagtitipon hinggil dito, napagkasunduan ng DepEd at mga stakeholder na magkaroon ng mas pinahusay na presensiya ng pulisya at mas maraming CCTV camera sa paligid ng mga paaralan.

Sa datos, partikular na sa National Capital Region (NCR), humigit-kumulang ay nasa 2.5K kaso na ang naitala sa School Year 2024-2025.
Mas mataas ito kumpara sa 2,268 na mga kaso noong nakaraang taon.

Sa datos naman noong taong 2022, hindi bababa sa 43 percent ng mga batang babae at 53 percent ng mga batang lalaki sa Pilipinas ang nagsabing sila ay nabu-bully ilang beses kada buwan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble