SUSUSPENDIHIN ng presidente ng South Korea ang informal media briefings nito kasunod ng tumataas na kaso ng COVID-19.
Mula nang umupo sa pwesto si President Yoon Suk Yeol, araw-araw itong nagsasagawa ng media briefings.
Isinusulong din ni Yoon ang araw-araw na transparency ng mga naglilingkod sa gobyerno kaya nais nitong magsagawa ng media briefings.
Sa kabila nito, ang approval ratings ni Yoon ay nananatili sa 37 porsiyento mas mababa ito sa survey noong unang linggo ng Hunyo sa 52 porsiyento.
Samantala, lilimitahan na rin ang mga coverage na dadaluhan ng Presidente at ang mga spokesperson naman ay maglilipat na lamang ng komento sa mga isyu.