MULING hinihikayat ni Prime Minister Datuk Seri Ismail Sabri Yaakob ang aabot sa pitong milyong Malaysian na tumanggap ng booster shots sa lalong madaling panahon matapos maiulat ang tumataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa Punong Ministro, bagaman hindi sapilitan ang mga booster shot ay mas makakakuha ng proteksyon ang mga mamamayan kung tatanggap ang mga ito ng booster shots.
Sa ngayon ay nakapagtala ang Malaysia ng 3,264 na bagong kaso ng COVID-19 dito sa bansa at hinihimok ang publiko na patuloy na sundin ang mga health protocol upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Gayunpaman, ang detalye sa muling pagbubukas ng COVID-19 mega vaccination center o PPV upang matugunan ang mga Malaysian na hindi pa nakatanggap ng kanilang booster shots ay iaanunsyo ng health ministry sa lalong madaling panahon.