Presidential candidates, pagkukunwari ang galawan

Presidential candidates, pagkukunwari ang galawan

PAGKUKUNWARI kung ilarawan ang mga galawan ng ilang Presidential candidates.

Ito ang naging pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy hinggil sa mga Presidential candidates na hindi nag-attend sa SMNI debates subalit dumalo naman sa ibang mga debate.

‘’Itong apat na ito sumampal sa kanila ang kanilang pinagsasabi, mahalaga pala ang debate. Bakit hindi kayo nag-attend sa SMNI? Kaya, you are bordering on hypocrisy, hindi ko naman sinasabi na hypocrites kayo,’’ ayon kay Pastor Apollo.

‘’Wala pa nga ang eleksyon nagpakita na kayo ng karakter ninyo. Kayo mismo ang sumasakal sa mga leeg ninyo sa mga pinagsasabi Ninyo,’’ saad ni Pastor Apollo.

‘’Pero sa mga sinasabi ninyo, taumbayan na ang huhusga sa inyo kung sino kayo. ‘Yan ba ang kailangan nating maging Pangulo?’’ paliwanag nito.

Kung matatandaan, sinabi ni Sen. Ping Lacson sa CNN na napakahalaga ng pagkakaroon ng debate dahil level ang playing field.

Wala aniyang tutor at script.

Para naman kay Manila Mayor Isko Moreno, nagsisilbing human resource department ang mga nanonood sa mga debate at sila ang nag-aaply ng trabaho.

Kay vice president Leni Robredo, pagkakataon aniya na mapakinggan ng lahat ang kanilang mga plano sa bansa.

Kay Sen. Manny Pacquiao, ang debate umano ang nagpapakita ng sinseridad ng isang tumatakbo.

Pero ipinagtataka lang ni Pastor Apollo kung bakit sa SMNI debates ay hindi dumalo ang apat gayong patas at platform-based lang dito.

Presidential candidates, pagkukunwari ang galawan

Follow SMNI NEWS on Twitter