Presyo ng mga bilog na prutas, tumaas

Presyo ng mga bilog na prutas, tumaas

SA ngayon, ramdam na ang bahagyang pagtaas sa presyo ng mga bilog na prutas sa ilang pamilihan sa Quezon City.

Sa Litex Market, nasa P35 ang kada isang piraso ng mansanas, P25 ang kada isang piraso ng orange, P80 ang kada kilo ng dalandan habang P120 ang kada kilo ng chico.

May mabibili namang watermelon na nasa P150 ang kada isang piraso, seedless grapes na nasa P200 kada kilo at kiat-kiat na P60 ang isang balot.

“Sa ngayon, okay pa siya. Pero ‘yung iba nagmahal na. Tumaas na siya ng P10. Kasi ‘yung iba P5, ‘yung iba P10,” ayon kay Elena Zarate, nagtitinda ng bilog na prutas.

Pero kung kayo ay nagtitipid, mas makakamura sa kada tumpok ng mansanas, orange, o peras.

“Mas makakatipid ka doon kasi bali apat sa halagang P60 lang. Kung bibili ka kasi ng pira-piraso, P20 ang isa eh. ‘Yung iba nga minsan P25. Kaya mas makatitipid kung bibili ka ng nakatumpok lang,” ayon kay Lani Mapa, nagtitinda ng bilog na prutas.

Sinabi ng ilang fruit vendor, asahan pa ang posibleng pagtaas ng presyo ng prutas sa pamilihan sa mga susunod na araw.

Samantala, iilan namang mamimili ay hindi na kukumpletuhin ang 12 bilog na iba’t ibang prutas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble