DAPAT mabuwag na ang lahat ng private armed groups bago ang 2025 mid-term elections.
Ayon ito sa Commission on Elections (COMELEC) alinsunod na rin sa utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) lalong-lalo na sa Central Luzon dahil maaaring makumpromiso ng private armed groups ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Sa pahayag ni COMELEC Chairman George Garcia, totoo namang nagagamit ngayon ng mga politiko ang private armies upang makapaghasik ng lagim o manakot ng mga mamamayan kung kaya’t dapat lang itong mabuwag.
Samantala, ang campaign period para sa senatorial candidates at party-list groups ay itinakda sa Pebrero 11 hanggang Marso 10, 2025.
Sa Marso 28 hanggang Mayo 10 naman ang pangangampanya para sa mga kongresista maging sa parliamentary, city at municipal elections.