TUTULONG ang Office of Civil Defense (OCD) sa pagbuo ng mga hakbang upang matugunan ang problema ng baha lalo na sa mga lugar na palaging nakararanas nito.
Ayon kay OCD chief Ariel Nepomuceno, isa sa kanilang tututukan ang pagkakaroon ng bagong polisiya at plano para sa pagpapaunlad ng pangunahing river basins sa bansa; striktong implementasyon laban sa anumang human activity na nagpapalala ng problema gaya ng pagmimina at iba pa.
Isa na sa naging hugot dito ang malawakang pagbaha sa Davao Region.
Sa kasalukuyan, 16 na ang naitalang nasawi, 11 ang sugatan habang 17 ang naiulat na nangyaring landslides at 50 flooding incidents sa rehiyon.