TUMAAS ang kaso ng leptospirosis sa Davao Region ayon sa Department of Health (DOH) Region XI.
Mula Enero 1 – 27, 2024, nasa 34 ang naitalang kaso sa rehiyon kung saan may dalawa rito na nasawi.
Kung ikukumpara noong 2023, nasa 23 lang ang naitalang leptospirosis cases.
Ang Davao de Oro ang may pinakamataas na bilang ng kaso at sinundan ito ng Davao del Norte.
Ang mga lugar na ito ay ang mga probinsiya rin na lubos na nakararanas ng pagbaha at landslides sa kasalukuyan dahil sa shearline na nagresulta ng mga pag-ulan.