FPRRD, hindi magpapahuli ng buhay sa ICC—Roque

FPRRD, hindi magpapahuli ng buhay sa ICC—Roque

IBINAHAGI ni Atty. Harry Roque na hinding-hindi magpapahusga o magpapahuli ng buhay sa International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Kasunod na rin ito sa isiniwalat ng butihing abogado na nakatanggap aniya ng impormasyon ang dating Pangulo na maaari siyang arestuhin anumang oras kaugnay sa imbestigasyon ng ICC sa drug war campaign nito.

Umuugong din ang bali-balitang bubuwagin ang Task Force Davao na ani Roque ay mga tapat sa mga Duterte.

Kung matatandaan, umalis na bilang miyembro ng ICC ang Pilipinas noong Marso 2018 at epektibo ito noong 2019.

Subalit iginigiit ng ICC na may hurisdiksiyon pa sila sa bansa dahil ang saklaw umano ng kanilang imbestigasyon ay mula Nobyembre 2011 hanggang Marso 2019.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble