Programa ng DSWD, hindi dumaan sa Senado

Programa ng DSWD, hindi dumaan sa Senado

IKINAGULAT ng Senado ang pagkakaroon ng programang ayuda sa Kapos sa Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa katunayan, walang ideya ang mga senador hinggil sa AKAP kahit pa taunan silang naglalaan ng budget sa mga programa ng gobyerno.

Sa imbestigasyon pa ng Senado sa kontrobersiyal na People’s Initiative (PI), lumutang na walang guidelines para ipatupad ang programang ito.

Kung sisilipin ayon sa text message na binasa ni Sen. Imee Marcos, ang AKAP ay kabilang sa mga programa na dumadaan sa opisina ni House Speaker Martin Romualdez.

Samantala, noong Disyembre 2023, sinabi ng DSWD na magbibigay ang ahensiya ng one-time financial assistance sa pamamagitan ng AKAP sa mga manggagawang tumatanggap ng buwanang sahod na P23-K o mas mababa pa.

Ang one-time financial assistance ay nagkakahalaga ng P5-K.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble