PRRD, hinikayat ang susunod na administrasyon na i-adopt ang “good practices” sa pakikipaglaban vs COVID-19

PRRD, hinikayat ang susunod na administrasyon na i-adopt ang “good practices” sa pakikipaglaban vs COVID-19

HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang susunod na administrasyon na i-adopt ang “good practices” sa pakikipaglaban  kontra COVID-19.

Sinabi ni Pangulong Duterte na walang makapagsasabi kung may uusbong na namang global health threat sa hinaharap.

Ipinunto ng presidente na mahalagang malaman ng susunod na administrasyon ang kasalukuyang ipinapairal na “good practices” laban sa naturang virus.

“I mean, it would not be us who would face that problem anymore but the incoming or whoever wins. Dapat malaman nila ito na the good practices of the Philippines. Kaya, it’s quite impressive that given the population, compared to the others, and knowing how, for example, Malaysia and Singapore, they are quite strict, Vietnam, in the observance of the law and regulations,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Ginawa ng punong ehekutibo ang pahayag makaraang iulat ni Health Secretary Francisco Duque III ang dahilan sa harap ng naitatalang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19.

Sabi ni Duque, ito ay dahil sa vaccination, natural immunity, at pagtalima sa minimum public health standards.

“There are two sources of protection, Mr. President, ‘yung ating vaccination was the game changer above all,” ani Duque.

“Well, the vaccination, no doubt, these countries can well afford to have it,” tugon naman ng Pangulo.

Samantala, pinasalamatan ng presidente ang mga Pilipino sa pagiging disiplinado ng mga ito na malaking tulong din upang maibaba ang COVID cases.

Kasama ring kinilala ni pangulong Duterte ang law enforcement officers na tagapagpatupad ng mga batas.

“Well, I appreciate the — the decorum adopted by our law enforcement. Parang tinatapik lang na “huwag mo na lang ulitin” parang ganoon. It’s not really important. It is important for complying,” aniya.

 

63.69 million mga Pilipino, fully vaccinated na vs COVID-19

Matatandaan, inihayag ni Pangulong Duterte na ang isang bagay na magpapasaya sa kanya bago tuluyang bumaba sa pwesto ay ang makitang mayorya sa mga Pilipino ay fully vaccinated na.

Batay sa ulat ni Secretary Carlito Galvez Jr, chief implementer ng National Task Force (NTF) against COVID-19, 63.69 million na mga Pilipino na ang fully vaccinated.

Mayroon namang 136.8 million doses ng bakuna ang naiturok sa Pilipinas.

Samantalang,  mababa pa rin, ani Galvez, ang kabuuan ng boosters na naibigay na nasa humigit-kumulang 10.5 million.

Aminado si Galvez na bumaba ang vaccination partikular nitong buwan ng Pebrero.

“I will show to you ‘yung masyadong dramatic decline ng ating vaccination and we would like to ano to encourage everybody talagang medyo bumaba po na talaga. Since November po, nakita po natin sa November, mayroon po tayong more or less 27 million na bakuna-administer na doses. But this ano, this February, ang atin nga po — ang atin pong nabakunahan lang po is 8.7 million. So napakababa po, talagang lubhang bumaba po ang ating output noong February,” ayon pa kay Galvez.

3-day nationwide vaccination drive, ikakasa sa Marso 10-12

Dahil dito, ani Galvez, magsasagawa ulit ang pamahalaan ng isang malawakang vaccination days sa darating na Marso 10 to 12.

Target nito na mapalawak ang pagbo-booster sa eligible sectors mula 12 years old pataas lalung-lalo na ang senior citizens.

“Ito po ay hihikayatin na bumalik sa mga dapat maka-receive ng second dose ay atin pong palalawakin din dahil kasi karamihan po sa mga second dosers natin ay hindi po nakabalik,” ani Galvez.

Inihayag pa ng NTF na target ng pamahalaan na makapagbakuna ng 1.8 million hanggang 2 million sa gaganaping tatlong araw  na Bayanihan Bakunahan.

Patuloy na hinihikayat ng Punong Ehekutibo ang mga residente sa iba’t ibang lugar sa bansa na makiisa sa vaccination drive at tanggapin ang libreng COVID-19 vaccine.

 

Follow SMNI News on Twitter