PRRD, maghahanda laban sa imbestigasyon ng ICC

PRRD, maghahanda laban sa imbestigasyon ng ICC

MAGHAHANDA si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC).

Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, paghahandaan ni Pangulong Duterte ang imbestigasyon ng International Criminal Court kaugnay sa crimes against humanity.

Sinabi ni Pangulong Duterte na babalik siya sa kanyang bayan kapag natapos ang kanyang termino upang maghanda para sa pagsisiyasat ng International Criminal Court tungkol sa mga alleged crimes against humanity na nagawa sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Nauna nang sinabi ni PRRD na mas gugustuhin niyang mamatay kaysa harapin ang ICC.

Ngunit ayon sa speech ng pangulo kamakailan, ay uuwi siya sa Davao upang hintayin at paghahandaan ang kanyang depensa laban sa mga kinatawan ng ICC na siyang nagpapatuloy sa pag-uusap tungkol sa mga naturang kaso.

Matatandaang pinahintulutan ng International Criminal Court’s pre-trial chamber noong Setyembre ang pagsisimula ng pagsisiyasat sa kontrobersyal na national campaign na “war on drugs” ng administrasyong Duterte at mga katulad na krimen na diumano’y naunang nagawa sa rehiyon ng Davao noong siya ay alkalde pa lamang – kasama na ang mga pagpatay ng vigilante group na “Davao Death Squad.”

Giit naman ng pangulo na ang international body ay walang kapangyarihan sa Pilipinas, at ang judicial system ay gumagana sa bansa.

Ganunpaman, umapela rin ang presidente para sa isang fair trial, na ang bilang ng mga namatay ay hindi dapat manipulahin upang magkaroon lang ng ebidensya laban sa kanya.

Dagdag pa ng administrasyon na hindi ito makikipagtulungan sa ICC, ngunit sinabi ng dating hukom ng ICC na si Raul pangalangan na walang tigil ang korte sa pagkalap ng ebidensya kaya’t maaaring magpatuloy ang pagsisiyasat kahit tumatanggi ang gobyerno na makipagtulungan.

Samantala, ayon sa anunsyo ng Pangulong Duterte kamakailan na siya ay nakatakdang magretiro sa politika pagkatapos ng kanyang termino sa 2022.

SMNI NEWS