Philippine Red Cross, iimbestigahan na ng COA- PRRD

Philippine Red Cross, iimbestigahan na ng COA- PRRD

INIHAYAG ng Commission on Audit (COA) na kanila ng iimbestigahan ang Philippine Red Cross matapos itong hilingin ni Pangulong Duterte sa kanyang weekly talk to the people address.

Lumagda na ng memorandum ang Commission on Audit para maumpisahan na ang pag-audit sa mga pondo na nakuha ng Philippine Red Cross mula sa mga ahensya ng gobyerno.

Inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang weekly talk to the people address na natutuwa ito sa response ni COA Chairman Michael Aguinaldo sa panawagan nito na i-audit ang PRC.

‘’I am please to learn…sabi ni Gordon di puedeng i-audit yang Red Cross,’’ayon kay Pangulong Duterte.

Ayon kay Pangulong Duterte, nilagdaan ng COA ang memorandum na may petsang Sept. 23, 2021.

Sa ilalim nito, ang lahat ng opisyal ng COA at opisina ay inuutusang mag-sumite sa fraud audit office ng compilation sa kanilang findings ukol sa mga pondo na natanggap ng PRC mula sa mga ahensya ng gobyerno mula January 2016 hanggang September 2021.

Dapat din silang mag-sumite ng duly signed summary schedule ng mga subsidy o pondo na natanggap ng PRC sa mga taong ito.

Samantala, pina-alalahanan din ni Pangulong Duterte ang COA sa “constitutional duty’ nito na kolektahin ang ₱140 million na halaga ng notice of disallowance na isyu laban sa Subic bay Metropolitan authority noong si Sen. Richard Gordon pa ang chairman nito.

Ayon kay Duterte, magagamit pa ito bilang pandagdag sa pambili ng mga bakuna ng gobyerno.

SMNI NEWS