PRRD, tinanggap na ang nominasyon ng PDP-Laban na tumakbo bilang bise president sa 2022 Election

PRRD, tinanggap na ang nominasyon ng PDP-Laban na tumakbo bilang bise president sa 2022 Election

TINANGGAP na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nominasyon ng PDP-Laban Party para tumakbo  bilang bise presidente sa 2022 National Elections.

Ito ang inanunsyo ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang Executive Vice President ng ruling party.

Kaugnay nito, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaring kumpirmahin ito ng pangulo sa kanyang Talk to the People mamayang gabi kung tatakbo siya sa pagka bise presidente.

Samantala, inanunsyo rin ng PDP-Laban ang inisyal na senatorial slate ng partido.

Kabilang dito Sina House Deputy Speaker Rodante Marcoleta, DICT Secretary Gregorio Honasan, Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, DOTr Secretary Arthur Tugade at DPWH Secretary Mark Villar.

 

SMNI NEWS