PTFoMS at PAO, pinangunahan ang 2023 Nationwide Media Summit sa Tagaytay City

PTFoMS at PAO, pinangunahan ang 2023 Nationwide Media Summit sa Tagaytay City

PINANGUNAHAN nina Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director Usec. Paul Gutierrez at Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Rueda-Acosta ang taunang Nationwide Media Summit na ginanap sa Tagaytay City.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng taunang pagpapaalala sa responsableng pamamahayag ng lahat ng nasa industriyang ito.

Dito rin ipinaalala sa mga media ang kaukulang proteksiyon para sa mga ito habang ginagampanan ng mga ito ang kanilang trabaho.

Pakiusap ng dalawang ahensiya sa media na iwasan ang paglalabas ng mga akusasyon na walang basehan at kung maaari ay iwasan ang pagsusulat o pagpapahayag na makapaglalagay sa alanganin sa buhay ng media practitioners sa bansa.

Samantala, sa pinakahuling tala ng PTFoMS, mayroon nang apat na insidente ng media killings sa Marcos administration kasabay rito ang pangako na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga ito.

Nito lamang Nobyembre 4, Linggo ng umaga nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek si Juan Jumalon, isang radio anchor ng Misamis Occidental.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter