Public solicitation scams inaasahang mapipigilan ng Kaagapay Donations Portal—DSWD

Public solicitation scams inaasahang mapipigilan ng Kaagapay Donations Portal—DSWD

SA pamamagitan ng Kaagapay Donations Portal, mas mapapadali ang pag-access ng publiko sa listahan ng mga rehistrado at awtorisadong charitable organizations sa buong bansa.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Marie Rafael, malaki ang maitutulong ng portal na ito upang maiwasan ang panloloko gamit ang pekeng solicitation drives.

Ang Kaagapay Donations Portal ay magsisilbing online directory ng mga lehitimong social welfare and development agencies (SWDAs), kung saan makikita ng publiko ang mga organisasyong awtorisadong tumanggap ng donasyon.

Nagbigay rin ng katiyakan si Rafael na ang lahat ng donasyong ipoproseso sa pamamagitan ng Kaagapay Portal ay direktang mapupunta sa mga tunay na nangangailangan.

Para naman sa mga donasyon na may kinalaman sa disaster response, cash donations lamang ang tatanggapin sa portal gamit ang mga secure digital transaction channels.

Samantala, ang mga in-kind donations tulad ng pagkain, damit, at iba pang gamit ay maaaring direktang ipadala sa DSWD-run Centers and Residential Care Facilities o sa mga accredited SWDAs na pinili ng donor.

Sa pamamagitan ng Kaagapay Donations Portal, nagiging mas madali at ligtas para sa publiko ang pagtulong, habang natitiyak na ang bawat sentimo ng donasyon ay mapupunta sa tamang kamay. Isang hakbang ito ng DSWD upang labanan ang public solicitation scams at mapanatili ang tiwala ng mga nagmamalasakit na Pilipino sa mga makabuluhang adhikain.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble