PUVMP, susi upang matanggal ang Pilipinas sa pagiging 3rd world country—grupo

PUVMP, susi upang matanggal ang Pilipinas sa pagiging 3rd world country—grupo

SUSI ang PUV Modernization Program (PUVMP) upang hindi na maikonsidera ang Pilipinas na third world country.

Ayon kay Liga ng Transportasyon at Operator’s ng Pilipinas (LTOP) President Orlando Marquez, Sr. ang modernisasyon ay isang kwalipikasyon upang matanggal sa naturang kategorya ang bansa kung kaya’t dapat itong suportahan.

Sa orihinal na schedule, hanggang Disyembre 31, 2023 lang ang consolidation process ng jeepney operators at driver’s kung saan bubuo ang mga ito ng kooperatiba.

Subalit pinalawig ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. hanggang Abril 30, 2024.

Mahalaga ang pagbuo ng kooperatiba sa pamamagitan ng consolidation tungo sa PUV modernization upang isahan lang ang pagbigay ng gobyerno ng assistance sa jeepney operators at drivers.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble