Quarantine control points para sa mga boundary ng NCR Plus, pinaiiral

Quarantine control points para sa mga boundary ng NCR Plus, pinaiiral

INATASAN ni Interior Secretary Eduardo Año si Joint Task Force-COVID Shield Commander LtGeneral Israel Dickson para i-activate ang quarantine control points sa mga boundaries ng National Capital Region (NCR) Plus.

Epektibo kahapon, Agosto 1, ang quarantine control points sa mga boundaries ng NCR Plus para masiguro na ang mga authorized persons outside of residence (APOR) lamang ang maaaring makapasok at makalabas.

Kabilang sa mga babantayan ng JTF-COVID shield ang mga borders ng NCR Plus sa Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal.

Ani Sec. Año, dapat ang mga APOR ay may Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ID na na-isyu ng mga regulatory agencies at mga valid IDs o dokumento na nagpapatunay na ang establisyementong pinagtatrabahuan ay maaaring mag-operate sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Bukod pa rito, sinabi ni sec. Año na ang mga hindi apor ay pauuwiin pabalik sa kanilang mga tahanan.

Samantala, inatasan din ni sec. Año ang Philippine National Police (PNP) na huwag pigilan ang pagpasok ng mga cargo truck na nagdadala ng essential goods sa panahon ng ECQ.

BASAHIN:

1.8-M business workers, maapektuhan kung ipatutupad sa NCR Plus ang ECQ —DTI

P105-B kita, maaaring mawala sa loob ng 2 linggong ECQ — Karl Chua

SMNI NEWS