Quezon Memorial Circle sa QC, isa nang child labor-free zone

Quezon Memorial Circle sa QC, isa nang child labor-free zone

IDINEKLARA na bilang isang child labor-free zone ang bahagi ng Quezon Memorial Circle (QMC) sa lungsod ng Quezon.

Ito ang inihayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa kanyang State of City’s Children Report na isinagawa sa QMC.

Nabigyan ng lokal na pamahalaan ng Seal of Child Labor-Free Zone ang Quezon Memorial Circle matapos na sumailalim sa malawakang pagsasanay para sa child rights at Child Labor 101 ang lahat ng tenants, guards, gardeners at admin staff ng QMC.

Matatandaan na umabot sa mahigit 10 libong kabataan ang naitalang biktima ng child labor sa Quezon City.

Ito ang dahilan kaya itinatag ni Belmonte ang Quezon City Interagency Task Force for the Special Protection of Street Children and Child Laborers o Task Force Sampaguita sa layong matuldukan ang child labor sa lungsod.

Follow SMNI NEWS in Twitter