TUMAAS sa 18,482 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay matapos nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,326 na bagong kaso ng COVID-19 nitong Linggo.
Karamihan sa naitalang kaso ay mula sa National Capital Region, Negros Occidental, Cebu, Cavite, Rizal at Laguna.
Ayon naman sa OCTA Research Group, posibleng aabot sa isang libo hanggang 1,200 ang maitatala na kaso ng COVID-19 ngayong araw.
Sinabi rin ng OCTA na nasa 12.0% na ang positivity rate ng bansa sa ngayon.
Gayunpaman, makapagtala rin ang DOH ng 1,199 na nakarekober sa COVID-19 nitong Linggo.
Habang may 23 namang nasawi.