Quirino Province, handang-handa na sa tourism boom sa paparating na long holiday

Quirino Province, handang-handa na sa tourism boom sa paparating na long holiday

HANDANG-HANDA ang Quirino Province sa pagtanggap ng maraming turista sa lahat ng kanilang pook pasyalan.

Ayon ‘yan sa kinatawan ng Quirino sa Kongreso.

‘‘Opo, napakaganda po. Tuloy-tuloy po ang tourism namin dito sa Quirno,’’ ayon kay Rep. Midy Cua.

Ganyan kung ilarawan ni Quirino Rep. Midy Cua ang lagay ng turismo sa kanilang probinsiya.

Hitik sa likas na yaman ang Quirino, mag-mula sa mga naggagandahang talon, ilog at kuweba.

At para aniya sa mga naghahanap ng ibang lugar na pamamasyalan lalo na sa paparating na long holiday sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at Undas, nariyan ang Quirino para sa mga bisita.

‘‘Napakaganda ng Quirino, it is every raw and untouched. Palagi kong sinasabi ‘yan, kung gusto ninyong makaalis sa problema ninyo sa city or kahit saan man, pag pumunta ka sa Quirino parang malimutan mo ang inyong mga problema,’’ saad pa ni Rep. Cua.

Bukod sa domestic tourists, may mga foreign tourists na rin aniya ang nagpupunta ngayon sa Quirino.

Sa tulong na rin ito ng social media.

Malaking bahagi sa tagumpay ng kanilang tourism campaign ay ang good governance katuwang ang Quirino Provincial Government.

‘‘Ang hindi nadi-discover ng mga tao dito ay marami pang mas maliliit na places na pwede nilang puntahan,’’ ayon pa kay Cua.

Aminado naman si Cua na salat sa national exposure ang turismo ng mga malalayong lugar sa bansa.

Hangad nila na mabigyan ng mas maraming national exposure ang mga likas na yaman ng Quirino.

Bagay na adbokasiya ng SMNI News na ipakita ang angking ganda ng ating bansa. Ito’y para maiwasan na maging dayuhan sa sariling bayan.

‘‘Tulad ng sinabi mo, I think dapat ang first na i-explore ng ating mga kababayan is the local destinations na local tourism dito sa ating bayan at sa ating bansa. Dahil actually ang Philippines is one of the highest na tourist destination. So bakit pa tayo lalabas? Dapat talaga pumunta tayo dito,’’ dagdag pa ni Cua.

Follow SMNI NEWS on Twitter