RCBC Director, unang Pilipinong pinarangalan ng Certificate in Cyber Risk Governance

RCBC Director, unang Pilipinong pinarangalan ng Certificate in Cyber Risk Governance

PINARANGALAN bilang unang Pilipino na nakatanggap ng Certificate in Cyber Risk Governance ang Rizal Commercial Bankng Corp. (RCBC) Director na si Erika Fille T. Legara.

Ito ay kinumpirma ni DCRO President and Chief Executive Officer na si David R. Koenig.

Ang certificate ay iginawad sa mga nagtapos lamang ng ‘The Board Members Course on Risk’ at itinuring bilang premier credential para sa board members at c-suite executives na nais mag-excel sa hanay ng Risk Governance.

Kinilala si Legara, bilang dalubhasa sa data science, artificial intelligence at governance.

May mga posisyon din si Legara sa Asian Institute of Management bilang Associate Professor of Data Science, Founding Director ng Master of Science in Data Science Program, at Deputy Director at Senior Scientist ng Analytics, Computing, at Complex Systems Laboratory.

Samantala, ang DCRO Institute ay nakatuon sa pagpapaunlad ng positive governance approach to risk na naaayon sa mga madiskarteng layunin at misyon ng korporasyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble