ANG pamamayagpag ng red tape ang pinakamalaking hadlang sa pagpapalawak ng investments sa Pilipinas.
Ayon ito kay German Ambassador Andreas Pfaffernoschke.
Paliwanag nito, napakaraming permits ang dapat makuha ng mga negosyo at investors sa Pilipinas bago makapag-operate.
Nagiging sanhi na rin aniya ito ng korapsiyon.
Kung matutugunan ang red tape at mapapadali ang proseso sa pagkuha ng permits ay lubos na ikabubuti sa investors sabi ng German ambassador.