Reklamo laban sa Smartmatic, posibleng maresolba sa susunod na linggo

Reklamo laban sa Smartmatic, posibleng maresolba sa susunod na linggo

INIHAYAG ng Commission on Elections (COMELEC) na posibleng maresolba na sa susunod na linggo ang reklamo laban sa Smartmatic.

Kasunod ito ng pagdinig na ginawa ng COMELEC para sa petisyon na nagpapadiskuwalipika sa kompanya na lumahok sa 2025 National Elections.

Ayon kay COMELEC chair George Garcia, ang petitioners at ang Smartmatic ay may limang araw para magsumite ng memorandum at tatlong araw para magsumite ng komento sa memorandum ng magkabilang panig.

Nilinaw naman ni Garcia na kahit walang petisyon, ay maaari pa ring gumawa ng imbestigasyon ang komisyon laban sa sinumang supplier na maaaring madiskuwalipika o ma-blacklist.

Pagtitiyak ng COMELEC na magiging transparent ang proseso sa paghahanda sa mid-term elections

Sinimulan na rin ng komisyon ang mga pagbabago sa requirement sa mga supplier kung saan hiwalay ang para sa software, hardware, transmission, at iba pa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter