Rep. Erwin Tulfo hindi lumagda sa impeachment complaint laban kay VP Sara

Rep. Erwin Tulfo hindi lumagda sa impeachment complaint laban kay VP Sara

IPINAHAYAG ni Rep. Erwin Tulfo na hindi siya pumirma sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara.

Dahilan aniya nito ay upang mapanatili ang patas na paghusga, lalo na’t may posibilidad na maging senator-judge ito.

Hindi ako pumirma sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte dahil iniiwasan kong magkaroon ng bahid ang ating paghusga, lalo na’t may tyansang maging senator-judge tayo.

Ilang buwan na lang bago ang halalan at magkakaroon ng bagong grupo ng mga Senador na sisiyasat sa mga ebidensya. Ito ‘yung pagtutuunan natin ng pansin sakaling naging senator-judge tayo-magbigay ng hatol ayon sa mga ilalatag na ebidensya ng  bawat panig.

Gayunpaman, habang wala pa sa pagkakataong iyon, patuloy tayo sa ating mga laban para mapaganda ang buhay ng mga Pilipino. Patuloy ang trabaho at pagiging kakampi ng inaapi,” paliwanag ni Rep. Erwin Tulfo, House Deputy Majority Leader at ACT-CIS.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter