NAISUMITE na ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Department of Justice (DOJ) ang special report nito kaugnay sa mga isyu sa loob ng National Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay BuCor Director-General Gregorio Catapang, magkakaugnay ang nangyaring awayan sa pagitan ng mga gang member sa loob at ang nadiskubreng pugot na katawan sa isang septic tank.
Dagdag pa ni Catapang, ang dahilan nito ay pera at agawan sa kapangyarihan sa pagitan ng mga preso.
Sa ngayon aniya ay pinaghihiwalay na ang mga detainee na sangkot sa gulo.