Nasawi sa pananalasa ng Bagyong Egay, nadagdagan pa—NDRRMC

Nasawi sa pananalasa ng Bagyong Egay, nadagdagan pa—NDRRMC

UMAKYAT na sa 27 ang mga naiulat na nasawi sa pananalasa ng Bagyong Egay sa bansa.

Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Miyerkules, Agosto 2.

Sa nasabing bilang, 2 pa lamang ang kumpirmadong nasawi sa bagyo habang 25 ang isinasailalim pa sa berepikasyon ng mga awtoridad.

May 52 ang naiulat na nasaktan at 13 ang naiulat na nawawala.

Habang umabot na sa 765,024 pamilya o 2,856,962 indibidwal ang naaapektuhan ng bagyo mula 4,646 barangay sa 13 rehiyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble