KABILANG sa mga aktibidad na inumpisahan sa unang araw ng selebrasyon ng 438th Aggao Nac Cagayan 2021 ang Rescuelympics sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Task Force Lingkod Cagayan (TFLC).
Sinimulan ang aktibidad sa pangunguna ni Cagayan Gov. Manuel Mamba, PDRRMO at TFLC.
Ang tree planting ay sabay sabay na ginanap sa magkakaibang lugar sa lalawigan gaya ng lugar sa Mambacag, Tuao na pinangunahan ni Chief of Staff Atty. Ma. Rosario Mamba-Villaflor; Nassiping, Gattaran na pinangunahan ni Provincial Administrator Darwin Sacramed; at sa San Mariano, Lal-lo na pinangunahan ni Governor Mamba.
Ang tree planting na ito ay kasabay ng pakikiisa sa programa ni Gov. Mamba na “I Love Cagayan River Movement” at bilang bahagi ng Cagayan River Restoration na magpapaigting sa pagpapahalaga sa kalikasan upang maiwasan ang mga sakuna sa lalawigan tulad ng mega flood na naganap noong nakaraang taon sa buwan ng Nobyembre.
Ang lungsod naman ng Tuguegarao ay nakilahok sa pagalingan sa pagtugon sa sakuna at kahandaan sa pagliligtas ng buhay tuwing may kalamidad sa lalawigan.
Ito ang bayan ng Gonzaga, Camalaniugan, Buguey, Baggao, Aparri, Gattaran, Allacapan, Claveria, Lasam, at Sanchez Mira ang nagtagisan ng galing at kahapon naman Hunyo 30 nagpaligsahan ang DRRM ng Tuguegarao City, Peñablanca at Amulung.
Ang programang ito ay hango sa tema ng Aggao Nac Cagayan celebration ngayong taon na ang ibig sabihin ay “Kahandaan at Kakayahan para sa Kaligtasan at Kaunlaran ng Cagayan.”
(BASAHIN: P2.4 Bilyon Mega Bridge sa Camalaniugan Cagayan, pinasinayaan)