Resibo sa pagboto, ipatutupad ng COMELEC sa 2025 midterm polls

Resibo sa pagboto, ipatutupad ng COMELEC sa 2025 midterm polls

MAGPAPATUPAD ng bagong voting feature ang Commission on Elections (COMELEC) para matiyak ang transparency sa susunod na botohan.

Sa plenary deliberation sa Kamara para sa P35.19-B budget ng COMELEC, kinumpirma ng poll body na papayagan na ang pag-print ng resibo sa pagboto.

Gagana aniya ang ‘printing of vote receipts’ bago ang transmission ng isang boto gamit ang bagong teknolohiya ng poll body.

Nauna nang nanawagan ang National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) sa COMELEC na payagan ang releasing ng verified paper audit trail (VVPAT) para makatulong silang election observers na matiyak ang transparency ng botohan.

Magagamit kasi ang mga resibo para paghambingin ang resulta nito sa digitally transmitted na mga boto.

Samantala, tiniyak naman ng poll body na epektibo ang kanilang gagamiting automated counting machines (ACMs) lalo na sa pagboto sa mga malalayong lugar.

Ayon sa poll body, battery operated ang ACMs na kayang tumagal ng tatlong araw kaya hindi na ito kailangan ng generator sets para magamit.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble