Restriksyong ipinatutupad sa Boracay, walang pagbabago— Mayor Bautista

Restriksyong ipinatutupad sa Boracay, walang pagbabago— Mayor Bautista

WALANG pagbabago sa restriksyong ipinatutupad sa Boracay.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Malay, Aklan Mayor Frolibar Bautista, nananatiling strikto parin sila sa health protocols na ipinatutupad sa Boracay lalo na sa mga lokal na turistang bumibisita sa isla.

Sa katunayan pa nga ani Bautista, hinihingan parin nila ng RT-PCR test kahit fully-vaccinated ang mga bisita.

Tiniyak din ni Bautista na pinapalakas nila ang kanilang contact tracing at layunin nilang 70% sa kanilang komunidad ay mababakunahan para ligtas ang mga tao sa isla at mga lokal na turista.

Sa ngayon, nasa GCQ with heightened restrictions ang Aklan kasama ang Boracay hanggang Hulyo 31.

 

SMNI NEWS