DUMOBLE ang kita ng retail sales ng South Korea sa buwan ng Agosto ngayong taon.
Matagumpay ang naging resulta ng panukalang moderate COVID-19 pandemic dahil sa patuloy na pagtaas ng kitang natatanggap ng bansa.
Ayon sa South Korean Ministry of Trade, Industry and Energy, tumaas ng 15.4% ang revenue na natatanggap ng bansa mula sa mga online at offline retailers sa buwan ng Agosto at nagpapatuloy pa rin ito hanggang sa ngayon.
Dagdag pa ng ahensya, umakyat sa 14.5% ang nakuhang revenue ng bansa mula sa offline retailers habang nasa 16.4% mula sa mga online retailers noong nakaraang buwan.
Pumalo naman sa 24.8% ang itinaas na revenue sa major department stores kasama na rito ang demand sa pagkain at mga damit.
Habang 12.8% sales mula sa convenience stores at 9.9% revenue discount sa mga outlet.
Samantala, umabot naman sa 27.8% ang itinaas ng online demand sa pagkain sa Chuseok Holiday isang traditional mid-autumn harvest festival sa South Korea.