AASAHAN ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo .
Sa pagtataya, posibleng bababa mula P0.60-P0.90 ang kada litro ng gasolina at mula P0.50-P0.80 ang kada litro ng diesel.
Bababa rin ang presyo ang kada litro ng kerosene mula P0.50-P0.70.
Ngayong araw ay nakatakdang i-aanunsiyo ng mga kompanya ng langis ang pinal na price adjustment sa kanilang produktong petrolyo bago ipatupad ang rollback sa araw ng Martes.