SIMULA ngayon linggo, tatawagin nang Fernando Poe, Jr. (FPJ) Avenue Station ang Roosevelt Station ng LRT-1 sa EDSA, QC matapos itong pasinayaan nina Senadora Grace Poe, Supremo Senador Lito Lapid, Former Senate President Tito Sotto III, Cong. Arjo Atayde at Direk Coco Martin ng Batang Quiapo.
Si Sen. Lapid ang awtor at si Sen. Sotto ang nag-sponsor ng FPJ Avenue Law o ang Republic Act No. 11608.
Sa ambush interview, sinabi ni Lapid na hindi niya matatawaran ang naiambag ni FPJ sa industriya ng pelikula at sa bansa.
Binanggit ni Lapid na ang kaniyang ama ay stuntman noon ni FPJ hanggang sa kunin siyang stuntman na rin ni Da King.
Palaging sinasabi ng senador na “walang Sen. Lapid kung walang FPJ na nag-aruga at nagbigay break sa kaniyang karera sa showbiz.