MASAYANG ibinahagi ng aktres na si Ruffa Gutierrez na ‘on going’ na ang kaniyang paggawa ng thesis sa kolehiyo.
Ang tutor aniya para dito ay nakapag-publish na sa Scopus-Indexed International Journals.
Proud siya dahil nagawa niyang maisingit ang pag-aaral sa gitna ng kaniyang maraming schedules bilang aktibo sa showbiz.
Sa social media post ni Ruffa, sinabi niyang tanging susi lang para makamit ang tagumpay ay ang pagiging masipag at matiyaga.
Master of Arts in Communication sa Philippine Women’s University ang kinuha na kurso ng aktres.
Noong September 2022 naman nang mag-graduate siya sa communication arts sa ilalim ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program sa pareho paring paaralan.