KILALANIN ang theatre of dance ‘Gzhel’ mula sa Moscow na nagpamalas ng kanilang galing sa pagsayaw dito sa Maynila.
Spectacular! kamangha-manghang dance at cultural show ang ibinida ng mga Russian performer sa Aliw Theater.
Lumipad pa ang mga ito mula sa Moscow patungong Maynila upang ipamalas sa mga Pilipino ang ipinagmamalaking performances ng Russia.
Nasa 90-minute ang performance kung saan makikita ang intricate acrobatic skits at lyrical circle dances.
Tampok din dito ang mga ipinagmamalaki na folk festivals at folklore costumes ng bansang Russia.
Ayon sa Russian Ambassador, layon nitong ipakita sa mga Pilipino kung gaano kaganda at kayaman ang Russian culture.
Isa rin aniya itong paraan upang maipakita ng Russia sa mga Pilipino na sila ay kaibigan ng Pilipinas.
“This event is about our Russia culture. This event as far as I know very important academic folk dance ensemble, so we would like to show what Russian culture is ..it is also important to show to all Filipinos that Russia is a friend to the Filipino,” ayon kay H.E. Marat Pavlov Ambassador, Russian Federation.
Ayon naman kay Minister Sergey Cheremin, head ng Department for External Economic and International Relations mula Moscow, maganda itong pagkakataon sa dalawang bansa na makilala ang kultura nito matapos lumagda ang Moscow at Manila ng isang kasunduan.
“It’s very important for the cultural exchange between two capital and today we are proud that we signed for the first time in the history between Kremlin and Manila and Moscow City government and it will be a cooperation between different spheres….. So you’ll see different dancing, different performances….enjoy this performance,” ayon kay Minister Sergey Cheremin, Head, Department for External Economic and International Relations.
Umaasa naman ang Embahada ng Russia na mabibigyan din ng pagkakataon ang dance theater group na makapag-perform sa iba’t ibang lugar sa bansa. Gzhel