UMABOT sa 18,657 na pabahay para sa mga sumasahod ng mababa at minimum ang pinondohan ng Pag-IBIG Fund noong 2022.
18 porsiyento ay socialized homes mula sa 105,212 pabahay ang pinondohan ng Pag-IBIG ng naturang taon.
Ang kabuoang halaga namang na-irelease para sa socialized housing loans ay 7% o P8.28 billion ng P117.85 billion na na-ireleased ng ahensya para sa naturang taon.
“Masaya akong ianunsyo na ang Pag-IBIG ay patuloy na tumutulong sa mga miyembro nito na nasa mababa ang sahod na magkaroon ng bahay sa pamamagitan ng Pag-IBIG Affordable Housing Program. Nagpapakita ito ng malakas na panindigan sa pagsulong ng inklusibong paglago sa pamamagitan ng paglaan para sa mga Pilipinong manggagawa mula sa mahihirap ng sektor ng abot-kayang pabahay. Ito ay alinsunod pa rin sa direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na tugunan ang housing backlog ng bansa sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program,” ani Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, chair DHSUD.
Ang Pag-IBIG Fund’s Affordable Housing Program (AHP) ay isang special home financing program na tumutulong para sa mga may mababa at mga minimum na sahod na hindi lalagpas sa 15,000 kada buwan sa loob ng National Capital Region (NCR) at para sa mga sumasahod ng hindi lalagpas sa 12,000 kada buwan sa labas ng NCR.
Sa ilalim ng AHP, nagbibigay ng subsidize rate na 3% per annum o pinakamababa na rate sa kasalukuyan; para sa socialized home loans na may halaga na hanggang P580,000 at socialized condominium units na may halagang hanggang P750,000.
Samantala, sinabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta, na ang special subsidized rates ay binuo ng ahensya para sa mga miyembro nito mula sa minimum-wage sector simula noong 2012, at may kasalukuyang 3% rate na naging epektibo mula May 2017.
“Sa paglipas ng panahon, ang Pag-IBIG Affordable Housing Program ay tinitiyak na magkaroon ng sariling bahay ang mga may mababang sahod at sumasahod ng minimum. Ang pinakamababang rate na ino-offer sa merkado kung saan ang mga miyembro ay makaka-avail ng mababang buwanang bayad ng hanggang sa P2,445.30 para sa socialized home loan na P580,000 na may loan term na 30 taon,” ani Acosta.
“Maliban pa dito, ang mga umutang sa ilalim ng AHP ay hindi kinakailangang magbayad ng equity dahil sa 100% loan-to-value ratio. Ito ay upang mapanatili ang layuning pagaanin ang buhay ng mga manggagawang Pilipino lalo sa mga mahihirap na sektor sa tulong ng abot-kayang pabahay. Ito po ang aming panatang Lingkod Pag-IBIG para sa manggagawang Pilipino,” ani Acosta.