Ruta ng MMFF Parade of Stars, inilabas na ng MMDA

Ruta ng MMFF Parade of Stars, inilabas na ng MMDA

INILABAS na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang magiging ruta ng isasagawang MMFF 2022 Parade of Stars sa Disyembre 21, 2022.

Sa abiso ng MMDA, magsisilbing host sa Parade of Stars na may temang “Balik Saya sa MMFF 2022” ay ang local government ng Quezon City.

Ang parada na katatampukan ng float ng 8 pelikulang kalahok sa festival ay Magsisimula sa Welcome Rotonda-Quezon Avenue hanggang Quezon Memorial Circle ng alas-2 ng hapon sa Disyembre 21.

Nasa 7.36 kilometro naman ang total length ng parada at tinatayang aabot sa 2 oras at 30 minuto ang travel time.

Ang stage area naman para sa mga float ay sa kahabaan ng E. Rodriguez hanggang D. Tuazon.

Magtatalaga ang MMDA ng mga traffic enforcer para umasiste sa daloy ng traffic at sa crowd control.

Follow SMNI NEWS in Twitter