NAKATAKDANG lumagda sa isang sisterhood agreement ang mga lungsod ng San Juan sa Metro Manila at ang Laoag sa Ilocos Norte.
Pangungunahan ang nasabing seremonya nina San Juan City Mayor Francis Zamora at Ilocos Norte Gov. Matthew J. Marcos Manotoc.
Ayon kay Zamora, ang sisterhood agreement sa pagitan ng dalawang lungsod ay gagawing pormal ang isang mahigpit nang ugnayan sa pagitan ng dalawang LGU na nabuo sa pamamagitan ng Producer to Consumer Program ng lalawigan ng Ilocos Norte.
Dagdag pa ng alkalde na layon din ng sisterhood agreement na ibahagi ng dalawang local government units ang kanilang kaalaman at best practices sa local governance sa iba’t ibang larangan tulad ng turismo, kalakalan, komersiyo, at industriya, agham at teknolohiya, kultura at sining, urban planning, edukasyon, sports, pangangalaga sa kapaligiran, kalusugan ng publiko, at mga serbisyong panlipunan.