SUMAILALIM sa lockdown ng labing-apat na araw ang border district ng Sangkhla Buri at hindi pinapayagan ang mga indibidwal na lumabas ng kanilang mga bahay mula alas-dyes ng gabi hanggang alas kwatro ng umaga.
Ayon kay Chairman of Provincial Communicable Disease Control Committee Gov. Jirakiat Phumsawat, epektibo simula kahapon ang nasabing utos sa distrito ng Sangkhla Buri dahil sa lockdown.
Ipinagbabawal ang pagbibiyahe ng anumang uri ng kalakal sa Phra Chedi Sam Song checkpoint sa Tambon Nong Lu ng labing-apat na araw hanggang Hulyo a-beinte dos ang mga negosyo naman na pumirma ng kontrata para sa pagbibiyaheng mga kalakal ay exempted mula sa pagbabawal.
Ang mga mahuhuli ng distrito ng Sangkhala Buri ay epektibo at ang lalabag ay maaaring maharap sa isang taong pagkakakulong at multa na sandaang libong baht.